Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Yurushite kudasai…

Thursday, May 6th, 2010

Break me apart with words you don’t usually say,

And bury me with the weight of your cold glances;

Leave me there in a corner with shades of gray,

Let time fly and see every second that advances…

Take my heart out with one of your mind riddles,

Together with silence, surely a delightful treat;

Fleeting moments played with suspense fiddles,

A question of when our thoughts possibly meet…

The million apologies seem to be nothing of value,

Everything leads to the person who started it all;

The guilt lingers, so definite, it’s hard and true,

But it’s nothing compared to -the pain I caused you…

On bended knees may seem like a movie played over and over,

But believe me, minutes passing without you is losing forever…

 

…Please forgive me…

Wall Flower

Thursday, April 29th, 2010

A view outside your window wouldn’t hurt a bit,

Painting a smile towards your uncertain face;

Your blank stares serve as a wonderful treat,

A hapless disregard reserved in a warmer place…

Pay attention as if you are hearing everything,

There’s no harm in giving back a cold glance;

Feel a presence as if there’s really something,

Across a desolate room waiting to be in trance…

The happiness in your eyes, his drama,

The warmth around you, his isolation;

A moment with you, his ideal diorama,

A cold shoulder on him, his expectation…

While rainbow colors go across your classic tale,

His walls treated with the deepest shade of pale…

Lunod

Thursday, August 27th, 2009

Minsan napapaisip ka na lang sa isang tabi,

At maaalala mong bigla kung sa’n nagsimula;

Kung kelan matatamis lang ang namutawi,

Ang mga salitang sa mga labi niyo nagmula…

Bigla ring papasok sa iyong isip ang panahon,

Mga panahong hinding-hindi malilimot;

Nagbabakasakaling makita ang inyong kahon,

Ng mga alaalang mga ngiti lamang ang sangkot…

Maya-maya pa’y maluha-luha na ang iyong paligid,

Na parang hindi na gumagalaw ang bawat segundo;

Ilang saglit pa’y umuulan na’t hindi mo na nabatid,

Nasa’n ang kahapong nagmula ang inyong mundo…

Nariyan lang at nakikinig sayo’ng puso ang kalangitan,

Wag kang mag-alala, di s’ya isang alaalang sayo’y mang-iiwan…

Face the Wall (pa rin…)

Tuesday, August 11th, 2009

Ano ba nama’t nakaupo ka na naman sa sulok,

Nakayuko ang ulo’t sa anino mo’y nakatago;

Nakaharap sa pader habang ika’y nagmumukmok,

Sa kalungkutan mo ba’y di ka na pahahango…

Kanina ka pa nakatutok sa ikot ng iyong orasan,

Nakatitig ka lang sa bawat minutong lumilipas;

Iniisip mo bang may pag-asa kang makakamtan,

At umaasang sa isip niya’y hindi ka makaalpas…

Wala namang nagsabing ubusin mo ang panahon,

Para paputiin ang iyong mga mata sa pag-aantay;

Titigil ka na lang ba sa pagkakalugmok tulad kahapon?

At mangangarap na lang ng kathang-isip mong buhay…

Nakapaligid na naman sa iyong kalangitan ang madidilim na ulap,

Hinihintay mo pa rin ba siyang inaakala mong sayo’y lilingap?

Watashi wa anata no tame ni ikite imasu

Tuesday, June 30th, 2009

The mood swings and the disappointed image,

Cold shoulder matched with torture glances;

Turmoil held within, mind afflicted with rage,

A sea of butterflies ready to take its trances…

No sweeter sound than the symphony of silence,

Or triumphant cheers after falling to defeat;

A face embossed with familiar void yet intense,

A similar trend resembling to a repeat…

A flashback of laters, tonights and tomorrows,

Given moments to just let go and move on;

Forgetting reasons why we reaped sorrows,

Putting them aside without chances of resolution…

Time will again pass, and there are lots more in store,

But like the life I have, they’re much worth to live for…

Ngayong Gabi

Saturday, January 31st, 2009

Hawiin natin ang mga ulap ngayong gabi,

At damhin ang lamig ng ihip ng hangin;

Parang panaginip na sa tadhana’y hinabi,

Bawat segundong magdaraa’y sadyang atin…

Bakas ang lungkot na iyong nadarama,

Sa gitna ng kadilimang ‘di matitinag;

Maya-maya pa’y unti-unti kang lumuha,

Hetong panyo’t ngiti mo sana’y maaninag…

Hayaan mong makinig kami ng kalangitan,

Kasama ng nagkukubling buwan sa madilim na kumot;

Ngayong oras, hindi ko maaaring hayaan,

Magpatuloy ang malamig mong puso sa pagkalungkot…

Dahil bukas ng umaga, alam kong magiging ayos na ang lahat,

Kasama mo na siyang muli’t ako’y mananaginip na muli nang nakamulat…

27th of September, 2007

Saturday, January 24th, 2009

“Manonood ako ng concert nila!”

Paulit-ulit kong sinabi ‘to nung nabasa ko sa dyaryo yung ad nila. Sa isip ko, eto na ang pinaka da-best na regalo ko para sa sarili ko. Medyo nahirapan ako sa paghanap ng ticket kasi nawalan ako ng oras dahil sa trabaho ko… Swerte na nga lang at may natira pang ticket sa Ticketworld sa katabi naming building. At saktong dalawa na lang siya… Medyo disappointed pa ko nun kasi sa balcony na kami mapapaupo, yun na lang daw kasi ang natira….

So I invited some of my friends to join me kaya lang halos lahat sila busy… Feeling ko, I’ll seat alone sa balcony… Malungkot yun syempre, pero mas lulungkot yun pag tumugtog na sila, with an orchestra pa. Good thing Erin, one of my friends, confirmed na masasamahan niya ako… (Sa boyfriend niya, thanks for allowing her, I owe you one Ü)

At ayun nga, nung September 27, nagkita kami sa MRT station and she told me then na mukha talaga akong excited. I WAS REALLY EXCITED!!! Pagbaba sa Ortigas Station, nagtanong-tanong agad kami kung pano makapunta sa Music Museum… Medyo iritable na ako nun kasi feeling ko mahuhuli na kami (pero hindi naman pala…) Buti na lang napuno agad yung FX, at kung hindi ay magwawala talaga ako! Anyways, pagbili ng food sa Jollibee, natunton naman namin agad yung venue at gustong-gusto ko ng makapasok!!!

Pagdating sa loob, inupakan ko na agad yung pagkain… Gusto kong magconcentrate pag tumugtog na sila… Sobrang lamig nun, grabe! Lalong tumaas yung level ng excitement ko nung makita ko yung pag set-up ng mga instruments… At nagbabanggit na ng mga sponsors yung emcee (tama ba?)…

Then, lights out! Sabay pakita sa projector ng mga bagay tungkol sa banda… P@*&%@#!!! Simula na!!! Last thing I remembered flashing in the projector are the members of the band coming from backstage… Then in their respective places on stage, one by one I saw Chino David (from SS), the conductor, the Manila Symphony Orchestra, Kaka on drums, Jal on bass, and then Sir Ebe on guitars! Grabe, hindi ko ma-explain yung feeling ko, heaven pare! Ü

Isa ako sa mga nakipalakpak, nakisigaw, nakitawa, nakicomment, at sa maniwala kayo’t hinde, nakiiyak (sa “Wag Ka na Umiyak” na song at nung matapos yung last song nila na “Dear Kuya” - kasi tapos na yung show). Iba pala talaga yung napakinggan mo ng live kesa sa mga CD’s. May orchestra pa!

It was one of the best nights in my life. Kung may repeat, magre-repeat din ako! Di ko ma-imagine ang sarili ko dun kasi sobrang lumabas pagka-fanatic ko e! The concert was awesome!!! Sobrang ganda nung blending ng band and ng orchestra! Lalo mong mafi-feel yung connection mo sa kanta! Yung drama, naging mas madrama. Yung masaya, naging mas masaya. Parang naglalaro sa tenga yung mga letra. Parang magic di ba?! Sana maulit talaga sya…

Then December 2008, I read one of the emails coming from Sir Ebe (lister din kasi ako! di lang masyadong active!) telling listers na may CD na yung concert nila sa mga branches ng Dencio’s! Kaya lang hindi siya yung concert mismo, ‘yung mga songs lang nila dun. At ang maganda pa, may repeat daw yung concert sa August 28, which is their 10th year in the business… Round 2!!! Sana Araneta na! At pramis maaga akong bibilin ng ticket! Ü

Kung bibilangin kung ilang beses ko na napatugtog yung CD nung concert, sobra na ata sa 100 times (with no exaggerations!) Habang nagawa ako ng blog na ‘to, disc 2 yung pinapatugtog ko. Siguro nga kabisado na ng kapitbahay namin yung mga kanta e… Pero anong magagawa ko, nakaka-adik yung mga kanta e! Sobra! Their songs have touched my life in many ways, given the wonderful melody, arrangement and content! Keep it coming guys!!! Ü

MALAPIT NA YUNG 4th ALBUM NILA!!! CONGRATS MGA PARE!!! Ü

Keep it up guys!!! Maraming salamat! Ü Ü Ü

Almusal

Friday, October 31st, 2008

Bilisan na ang pag-uunat-unat paggising sa umaga,

Pagtapos diretso na sa mesa, simulan na ang piyesta;

Kuhanin na ang tinapay at ihanda na ang palaman,

Simulan na ang pagkain ng tayo’y magkaalaman…

Kaunting kwento habang tayo’y salo-salo,

Kanya-kanya ang banat, walang magpapatalo;

Maya-maya ang lahat ay titigil at makikiramdam,

Sabay may hihirit, “Hoy, yung hotdog, magtira ka naman!”

Sige lang ang halo sa mainit-init pang kape,

Kasabay ng marahang ihip na namumutawi sa labi,

Luto na ang sinangag, ang dyaryong hawak iyo munang ilapag,

Alam mo na siguro kung bakit, ‘di na kailangan ng paliwanag…

Tara na’t salubungin natin ang bagong araw ng tama,

Hahayaan na lang ba nating sumablay agad ang simula?

…Ay, wag naman sana Ü

The truth about…

Thursday, October 30th, 2008

I miss you even more tonight…

A worried face staring at a blank sky;

Something unseen in plain sight,

A heart that never quits to try…

Can you hear me calling your name,

Against the vast silence of distance;

The brain trapped in a mini mindgame,

Where thoughts spin like a crazy dance…

I just want to feel that you’re still there,

Like stars that shine in the velvet canvass;

Every second passing seems like forever,

A hurtful longing screaming inside a glass…

I’m just being honest, truthful to what I say,

No matter how badly I miss you, I promise I’ll stay…Ü

Contrary to a Hero’s Perspective

Thursday, October 9th, 2008

“Then a hero comes out to the rescue…

 

People calling out, loudly seeking for different aids,

Screaming their lungs out to voice out their call;

Across the streets, where actions are made and terror fades,

A help for everyone while the villains take their fall…

Left at a corner, someone forced to face the darkness,

“How can he save others while I’m left here all alone?”

Across the city, praises said for the hero are countless,

A damned soul waiting in sobs of sorrow on a lonely throne…

Flashes of what was said by the man she trusted:

“Stay here! I don’t want you to get hurt…”

A cut in the heart and a face with tears embedded,

A longing neglected, genuine passion just left in dirt…

Some people might say that the person only needs attention,

The truth it is for someone cold-hearted in a void of affection…

 

And when the hero came back, she was already gone…”